As President Ferdinand Marcos Jr. prepares to deliver his third State of the Nation Address (SONA), GABRIELA, the national alliance of women, denounces the worsening conditions of Filipino women under his administration.

“Sa gitna ng pagdiriwang ni Marcos Jr. ng kanyang ‘Bagong Pilipinas’, ang kababaihang Pilipino ay patuloy na nagugutom, kinakaladkad sa gera, at dinadahas, ” declared Cora Agovida, Deputy Secretary-General of GABRIELA. “The incessant rise in prices of basic commodities like oil and food, coupled with stagnant wages and widespread unemployment, has pushed many Filipino women and their families deeper into poverty.”

“Paanong naging bago ang Pilipinas kung ang bawat pamilyang Pilipino ay nahihirapang maglagay ng pagkain sa mesa? Kung ang mga kababaihang manggagawa at magsasaka ay halos hindi makaraos sa kabila ng mahabang oras ng pagtatrabaho?” she added.

GABRIELA also slams Marcos Jr.’s subservience to U.S. dictates, particularly in matters of foreign policy and military cooperation. “Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa pagtatayo ng apat na bagong EDCA site ng U.S. sa bansa, pagpayag sa mahigit 500 war games at military exercises, at pagwawalang-bahala sa pag-iimbak ng mga kagamitang pandigma ng U.S. tulad ng U.S. missile system na kamakailan lang nakita sa Ilocos Norte, epektibong kinakaladkad ng U.S. at ni Marcos Jr. ang Pilipinas sa isang potensyal na gera sa West Philippine Sea.” Agovida stated.

The women’s alliance warns that increased U.S. military presence not only threatens national sovereignty but also puts women at greater risk. “Ipinakita ng kasaysayan na kung saan may mga dayuhang base militar ng U.S., tumataas ang karahasan laban sa kababaihan, kabilang na ang pang-aabusong sekswal at pagsasamantala.” Agovida explained.

As Marcos Jr. delivers his SONA, GABRIELA calls on all Filipino women and the broader public to see through the rhetoric and demand genuine change. “Kailangan natin ng mga patakaran na inuuna ang kapakanan ng kababaihang Pilipino, hindi ang interes ng ibang mga makapangyarihang bansa gaya ng U.S. Nais naming mga kababaihan ng mga trabaho na may nakabubuhay na sahod, abot-kaya at madaling ma-akses na mga batayang serbisyong panlipunan, at isang patakarang panlabas na tunay na nagtataguyod ng ating soberanya.” Agovida concluded.

Leave a comment