By DINDO BELLOSILLO
PALABAS NA NAMAN?
Wow naman! Very concern ang ating Bise Presidente sa kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez. Napakabait naman pala ni VP Sara na masyado ata ang pag-aalala kay Lopez na nasa kustodiya ngayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa mga bali-balita, dinalaw at magdamag pa raw sinamahan ni VP Sara si Atty. Lopez sa kanyang kuwarto. Pano nangyari yun eh, sa opisina raw ng kanyang kapatid na si Polong nagpalipas ng magdamag ang ating napakabait ng Bise Presidente? Ano, yun, panibagong palabas na naman?
Ipina-contempt si Atty. Lopez dahil sa kanyang pagtatangka na harangin o hadlangan ang ginagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government sa ginawang paglustay, este, paggamit ng confidential fund ng OVP.
Tinangka kasing harangin umano ni Lopez na sumunod ang COA sa hiling ng Komite na isumite sa kongreso ang mga resibo ng mga diumano’y pinagkagastusan ng milyun-milyong pisong confidential fund.
Duon nabisto ang iba’t – ibang uri ng iregularidad mula sa kaduda-dudang pangalan ng mga recipient ng pondo hanggang sa halaga ng mga pinagkagastusan gaya ng napaka-kamahal na binayarang safe houses umano. …. Nahanap na ba si Mary Grace Piattos? Totoo bang tao ito o gawa-gawa lamang?
Ito ang mga hindi pa naipaliliwanag ng OVP na hanggang ngayon ay pilit iniiwasan maging mismo ni VP Sara.
Ma’am Sara, hindi sapat na sabihin mong pinupulitika ka, magpaliwanag ka! …..’yan ang hinihintay ng taumbayan. Wala kang bukang bibig kundi pinupulitika ka, pero patuloy ang iwas mo humarap sa Komite ng Kamara. Hindi uto-uto ang mga Pinoy, dahil alam nila kung may itinatago ka o wala.
Anyway, balikan natin itong si Atty. Lopez, hindi naman nakapagtataka kung bakit patuloy siya sa pag-deny sa confidential fund. Mahirap nga naman “sunugin” ang iyong boss na matagal mo ng kasama, simula pa nuong alkalde pa si VP Sara ng Davao City.
Ang hindi lang marahil nakikita ni Atty. Lopez, pinagmukha niyang tanga ang sarili niya, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo, nang paulit ulit niyang igiit na wala siyang nalalaman tungkol sa pinuntahan ng confidential fund ng OVP…..Sabi nga ng mga nag-iinuman sa kanto, tanga lang ang maniniwala sa iyo!
Habang hindi naipaliliwanag ang mga kaduda-duang transaksiyon na umano’y pinagkagastusan ng confidential fund ng OVP, hindi maiiwasan na isipin ng publiko na talagang nilustay o di kaya’y binulsa niyo lang ang pondo.
Kung totoo ito, nasan ang hiya nyo!? Hindi nyo pera yan at yan ay galing sa pinagpaguran ng bawat isang Filipino na nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Kaya karapatan ng bawat Filipino malaman kung saan niyo dinala ‘yan
Huwag nyong gawing palabigasan ang puwesto at titulo dahil mas maraming mahihirap na dapat matulungan ng halagang pinag-uusapan.

Leave a comment