Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) criticized President Ferdinand Marcos Jr. for the meager 35-peso minimum wage hike in the National Capital Region (NCR), calling it is tokenistic and unrealistic. The group argued that the increase is a mere empty PR and superficial gesture aimed at bolstering the administration’s image ahead of President Marcos Jr.’s upcoming 3rd State of the Nation Address (SONA) this month.

“Pampapogi lang ito at hindi naman matatamasa ng mga manggagawang Pilipino lalo pa’t kasunod ng balitang ito ang nakaambang pagtaas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin. Gayundin, kulang na kulang ito kumpara sa panawagan nating family living wage na tinatayang aabot sa Php1200. Balak lang ni Marcos Jr. na palamnan ang kanyang SONA speech ng mga magarbong salita na wala namang signipikanteng epekto sa mga manggagawa,” declared KMK Spokesperson Jacq Ruiz, stressing the need for a family living wage which would allow Filipino workers to meet their basic needs, increase their purchasing power and afford better living conditions.

“Ang kakarampot na pagtaas ng sahod ay malaking sampal sa manggagawang Pilipino na lumilikha ng supertubo para sa mga malalaking kumpanya. Nakakadismaya rin na ang naturang dagdag-sahod ay hindi naman mararamdaman sa ibang rehiyon ng Pilipinas na katulad ding hinahagupit ng matinding implasyon. Halimbawa, ang presyo ng itlog sa Quezon City ay kaparehas lang din sa Antipolo at mga karatig nating probinsya at rehiyon. Pero, ang dagdag-sahod ay ipatutupad lang dito sa National Capital Region (NCR). Sapat na itong rason para buwagin na ang regional wage boards at ibalik ang isang pambansang minimum na sahod,” continued Ruiz.

The group urged Filipino workers and unions to intensify the fight for higher wages and better working conditions. Ruiz added that workers should demonstrate their discontent over the administration’s neglect and callousness towards their welfare by joining the people’s protest during PBBM’s SONA.

“Walang silbi si President Marcos Jr. at DOLE Secretary Laguesma sa uring manggagawa. Malupit na nga ang araw-araw na pagbabanat ng buto ng mga Pilipino sa hindi makataong kondisyon ng paggawa, patuloy pa tayong iniinsulto sa mga barya-baryang sahod. Hindi tayo umaasa na kusang ibibigay ng gobyerno at kongreso ang ating panawagan para sa makabuluhang umento sa sahod. Kaya naman, dapat nating palakasin at pasiglahin ang ating mga unyon at yanigin ang mga kalsada patungong Batasan at Malacañang ngayong darating na SONA,” concluded Ruiz.

Leave a comment