Mukhang malabo ng makalusot sa House of Representatives ang mga panukalang batas na magtatakda ng ‘legislated wage increase’ para sa mga manggagawa sa buong bansa.

Ngayong Huwebes, ika- 23 ng Mayo nakatakdang magbreak ang Kongreso  – Kamara at Senado -para sa “sine die adjournment” at babalik sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Bongbong Marcos sa ika-22 ng buwan ng Hulyo.

Mula ngayong Lunes hanggang Miyerkoles, tutok ang sektor ng paggawa kung makakarating sa plenaryo ng Kamara ang mga panukalang batas na magtatakda ng legislated wage increase  sa kung magkano mang halaga.

Ang tsansa na magkaroon ng legislated wage increase ay nasa diskresyon ng liderato ng Kamara.

Leave a comment