Women worker’s group Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) marched to the Senate of the Philippines alongside various organizations on the occasion of the hearing for the hotly contested Charter Change, which involves lifting all limits to foreign ownership for various business sectors and extends term limits for politicians.

“Sa panahon na nagmamahalan ang bilihin at napakahirap maghanapbuhay para sa pamilya, ano ang pakinabang sa pagbabago ng Konstitusyon? Para lalong dambungin at pagkakitaan ng mga dayuhan ang bansa natin at lalong magtagal sa posisyon ang mga pulitiko? Hindi naman mga manggagawa, kundi mga dayuhang negosyante at trapo ang makikinabang sa Cha-Cha ni Marcos Jr.!” blasted Jacq Ruiz, KMK’s spokesperson.
“Simple lang naman ang gusto nating mga babaeng manggagawa: ang mabuhay nang may dignidad ang pamilya natin. Paano? Magsimula tayo sa pagtataas patungong family living wage ng minimum na sahod sa bansa. Sa pag-regularize ng bawat manggagawa. Sa pagsigurong malaya at ligtas tayo sa mga lugar-paggawa. Hindi po kailangan ng Charter Change para makamit ang mga ito,” continued Ruiz.
According to KMK, President Marcos Jr.’s Cha-Cha is not only a distraction from legislation which workers actually need, but in fact runs contrary, depressing workers’ wages across the country.
“Bukod sa pansariling kapakinabangan ng mga pulitiko, layon ng Charter Change na ibukas ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga dayuhang korporasyon at negosyo na lalong magsasamantala sa mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagbabarat ng sahod, flexible working hours, at pagbubuwag sa mga unyon. Kaya sa madaling salita, pag maipasa ang Cha-Cha, lalong bababa ang sahod natin. Hindi natin dapat pahintulutan ito,” discussed Ruiz.
“Just in time sa hearing ng Cha-Cha, nakita natin ang pagbabago sa senate leadership. Kaya hamon ng kababaihang manggagawa sa bagong liderato sa pamumuno ni Sen. Chiz Escudero: ibasura ang Cha-Cha! Isulong sa halip nito ang wage increase across the board, regularization of all workers, at pagsiguro sa karapatan ng mga manggagawa sa pagawaan kasama na ang kaligtasan sa trabaho at karapatang magsama-sama at magtayo ng unyon,” concluded Ruiz.
Leave a comment