Kung mayroong lugar sa daigdig na maitut uring na “ flashpoint “ at maaring pagmulan ng armadong kumprontasyon o ‘armed conflict’ ay walang iba kundi ang West Philippines Sea, Taiwan Strait at Korean Peninsula.

Kaya naman ang isyu ng kapayapaan at kahinahunan ay napapanahon.

Ang mundo ay hindi pa nakakahulagpos sa epekto ng ‘Russian-Ukraine conflict’ kaya sa posibilidad ng susunod na armed conflict, sakaling mangyari ito, maaaring mahirapan kung di man, ay hindi na makabangon pa ang daigdig.

Sa harap ng mataas na presyo ng bilihin dahil sa patuloy na pagsirit ng produktong petrolyo, anumang kaguluhan sa rehiyon ng Asya at Pasipiko ay magpapalala lamang sa matindi ng problema ng suplay ng pagkain sa mundo dulot ng Russian-Ukraine conflict.

https://tonite.abante.com.ph/2023/08/28/kapayapaan-at-kahinahunan-dapat-lang/

Leave a comment